Internet sa panahon ng Pandemya
. Kapag naririnig mo ang salitang Internet, ano ang unang pumasok sa iyong isipan? Google? Facebook? Twitter? Youtube? Instagram? Ang internet ay may pangunahing bahagi sa ating lipunan. Sa halos lahat ng ating pang araw- araw na gawain, gumagamit tayo ng internet, mula sa pag order ng pagkain, bumili ng mga gamit, humanap ng mga bagay, makipagusap sa mga taong malayo sa atin at marami pang iba. Dati kung gusto mong bumili kailangan kang pumunta sa merkado, gusto mong makipagkomunikasyon sa isang kamag-anak na nasa malayong lugar, kailangan mo pang magsulat ng liham at ipadala sa mailing station, pero ngayon iba na, isa o dalawang pindot lang nakarating na agad ang iyong mensahe, may gusto kang malaman tungkol sa isang bagay, isang pindot lang may impormasyon ng nakalahad sa iyong harapan, may sagot na sa iyong tanong. Sa panahon ngayon ng pandemya malaking tulong ang naibigay na kontribusyon ang internet para sa atin. Mula sa pagbebenta ng mga pagkain, gamit, bulaklak, at iba pa, ma...