Internet sa panahon ng Pandemya


.Kapag naririnig mo ang salitang Internet, ano ang unang pumasok sa iyong isipan?
Google? Facebook? Twitter? Youtube? Instagram?
Ang internet ay may pangunahing bahagi sa ating lipunan. Sa halos lahat ng ating pang araw- araw na gawain, gumagamit tayo ng internet, mula sa pag order ng pagkain, bumili ng mga gamit, humanap ng mga bagay, makipagusap sa mga taong malayo sa atin at marami pang iba.
Dati kung gusto mong bumili kailangan kang pumunta sa merkado, gusto mong makipagkomunikasyon sa isang kamag-anak na nasa malayong lugar, kailangan mo pang magsulat ng liham at ipadala sa mailing station, pero ngayon iba na, isa o dalawang pindot lang nakarating na agad ang iyong mensahe, may gusto kang malaman tungkol sa isang bagay, isang pindot lang may impormasyon ng nakalahad sa iyong harapan, may sagot na sa iyong tanong.

Sa panahon ngayon ng pandemya malaking tulong ang naibigay na kontribusyon ang internet para sa atin. Mula sa pagbebenta ng mga pagkain, gamit, bulaklak, at iba pa, may nagaalok ng trabaho na stay at home jobs upang makatulong sa mga kababayan na magkaroon ng pera. Sa mga guro natin, kumukuha sila ng mga online seminars o tinatawag nilang webinars upang magkaroon ng sapat na kaalaman para sa "New Normal". Sa ating mga estudyante na naiinip na sa bahay, ang internet na lang ang siyang ating kakampi upang tayo ay manatiling konektado sa ating mga kaibigan at mga kaklase. Sa internet tayo humahanap ng makapagpalibang sa atin upang tayo ay hindi maiinip sa pandemyang ito.

Malaking tulong ang naibigay ng Internet sa atin ngayong may pandemya, dahil dito makakapagkomunikasyon tayo sa ating mga kamag- anak at mga mahal sa buhay, may pagkakalibangan tayo at may mapagtratrabahoan din. Para sayo, ano nga ba ang naitulong ng Internet sayo sa panahon ng pandemya?

Comments

  1. Salamat sa impormasyon kaibigan na iyong binahagi

    ReplyDelete
  2. Tama ka pero malaking tulong ito pag gamitin ng tama

    ReplyDelete
  3. tama ka , malaking tulong ang internet ngayon lalo na't karamihan saatin ay dito nananaliksik ng mga iba't ibang halimbawa ng teksto upang marami silang matutunan

    ReplyDelete
  4. Lubos kong ipinagpapasalamat ang impormasyong iyong ibinahagi sa amin, naway sa pamamagitan nito mamulat ang mga kabataan sa kahalagahan ng internet bilang isang positibong aktibidad at hindi magamit sa masamang intensyon.

    ReplyDelete
  5. napakahalagang impormasyon lalo na ngayon

    ReplyDelete
  6. napaka importante talaga nang internet pag sa tama gamitin

    ReplyDelete

Post a Comment